Siyensikat

Siyensikat 08 EP 13: Kaligtasan, Kalusugan, at Kabuhayan

Posted on 01/06/2026 06:41 pm

Sa ating huling episode ng Siyensikat, samahan kami sa loob ng DOST Food Safety Laboratory—kung saan bawat pagkain ay sinusuri para sa kaligtasan, nutrisyon, at kalidad bago makarating sa pamilihan. Mula sa microscopic testing hanggang shelf life studies, malalaman natin kung paano binabantayan ng siyensya ang bawat produkto. Ito ang siyensyang hindi natin nakikita sa mesa, pero mahalagang bahagi ng bawat subo at bawat pamilyang Pilipino.

Siyensikat 08 EP 12: Amazing Tech sa Shrimp Farming

Posted on 01/06/2026 06:37 pm

Paborito mo ba ang pagkain ng iba't ibang putahe ng hipon sa mga handaan? Bago pa 'yan ihain sa ating mga hapag, dumadaan ito sa mahabang proseso ng shrimp farming sa palaisdaan. Dahil dyan, isang makabagong teknolohiya ang binubuo ng ating mga eksperto para sa mas epektibong pagmomonitor sa kalidad ng tubig sa mga palaisdaan. Kritikal kasi ang kalidad ng tubig sa pag-aalaga at pagpaparami ng mga hipon. Kung ano ang teknolohiyang 'yan, alamin natin sa Siyensikat!

Siyensikat 08 EP 10: Paghilom

Posted on 01/06/2026 06:26 pm

Isang teknolohiya para sa mabilisang paggaling ng sugat ang binubuo ngayon ng isang Pilipinong doktor sa tulong ng DOST-Philippine Council for Health Research and Development. Ito ang Aquavac, isang Negative Pressure Wound Therapy Device. Isa sa mga patunay sa pagiging epektibo ng Aquavac si Aling Cristina. Ang unang opinyon sa kanya ng Doktor, putulin ang kanyang kanang braso dahil sa lala ng aksidenteng kinasangkutan nya noon. Ngunit dahil sa paggamit ng Aquavac, laking pasalamat niya sa maituturing niyang pangalawang buhay ngayon.

Siyensikat 08 EP 7: Kahigayunan sang M'lang

Posted on 01/06/2026 06:14 pm

Sa bayan ng M'lang Cotabato, may mga grupong patuloy na sinusuportahan at binibigyan ng Kahigayunan o oportunidad ng Department of Science and Technology. Sa ilalim ng Community Empowerment through Science and Technology (CEST) Program, nabigyan ng tulong sa pangkabuhayan ang mga Person with Disability (PWD), solo parent, magsasaka, at mga kababaihang Moro.

Siyensikat Caravan 2025 | Balitang RapiDOST

Posted on 10/29/2025 10:37 am

BALIKAN: Ilang estudyante ng De La Salle Araneta University, nakiisa sa Siyensikat Caravan. Mapapanood na ang Siyensikat: Pinoy Popular Science para sa Lahat sa GTV, Radyo DZBB, at social media accounts ng DOSTv tuwing Sabado, 9:00 AM. #OneDOST4U #DOSTv #Siyensikat

Siyensikat 08 EP 6: Kuwento ng Isip sa Bawat Guhit

Posted on 10/29/2025 10:24 am

Isang makabagong handwriting assessment tool ang binubuo ngayon ng mga eksperto mula sa University of Santo Tomas, sa tulong DOST-PCHRD.

Siyensikat 08 EP 4: Sustainable Heat, Nutritious Eats

Posted on 10/29/2025 10:18 am

Sa Buenavista, Marinduque, natagpuan ng mga magsasaka ang bagong pag-asa sa tulong ng agham. Sa pamamagitan ng solar powered hydrothermal dehydrator na binuo ng DOST, nagamit nila ang init ng araw at singaw mula sa Malbog Hot Spring upang mapabilis at mapaganda ang pagpapatuyo ng kanilang mga ani. Hindi na kailangang umasa sa panahon—ngayon, mas mataas ang kita at mas mababa ang nasasayang na produkto.

Siyensikat 08 EP 2: Islang Salat sa Tubig

Posted on 10/29/2025 10:12 am

‘Yan ang teknolohiyang ipinagkaloob ng Department of Science and Technology sa daan-daang residente ng Silaki Island sa Bolinao, Pangasinan.

Siyensikat 08 EP 1 : Bata, Bakhaw, Bukas

Posted on 10/29/2025 10:10 am

Sa puso ng Del Carmen, Siargao matatagpuan ang pinakamalawak na mangrove forest sa buong Pilipinas—isang buhay na depensa laban sa unos at tahanan ng napakaraming uri ng hayop at halaman. Pero higit pa sa likas na yaman, dito natin makikita ang kakaibang ugnayan ng tao at kalikasan.

Siyensikat S05 EP 7: Lab-grown skin, posible!

Posted on 12/03/2024 01:28 pm

Imagine, ang skin o balat galing sa laboratoryo? Magpaalam na sa pagsusuri gamit ang mga hayop sa pamamagitan ng 3D bioprinting laboratory ng Pharma GalenX Innovations na pinondohan ng Department of Science and Technology sa ilalim ng Science for Change Program. Ang bioprinting laboratory, na kauna-unahan sa rehiyon ng Iloilo, ay magpapahintulot sa pag-develop ng katumbas ng balat ng tao gamit ang 3D bioprinting technology para sa mga pag-aaral na may kinalaman sa mga topical formulations.