Sa Buenavista, Marinduque, natagpuan ng mga magsasaka ang bagong pag-asa sa tulong ng agham. Sa pamamagitan ng solar powered hydrothermal dehydrator na binuo ng DOST, nagamit nila ang init ng araw at singaw mula sa Malbog Hot Spring upang mapabilis at mapaganda ang pagpapatuyo ng kanilang mga ani. Hindi na kailangang umasa sa panahon—ngayon, mas mataas ang kita at mas mababa ang nasasayang na produkto.
Higit pa sa teknolohiya, ito ay kwento ng pagbabago at pagtutulungan. Ang dating problema sa post harvest ay naging oportunidad para sa kabuhayan, nutrisyon, at inobasyon. Sa bawat patak ng pawis at singaw ng kalikasan, buhay na patunay na ang siyensya ay kayang gawing kasangga ng bawat Pilipino sa pag unlad.
tuwing Sabado | 9:00 AM | GTV | Super Radyo DZBB 594khz
FB Live: Super Radyo DZBB 594khz
#OneDOST4U #SolutionsAndOpportunitiesforAll #DOST #Siyensikat #DOSTv #Silaki