Posted on 07/15/2025 08:57 am
Isang basurahang kayang mag-identify ng metal, plastic, o paper. Isang solar drying machine na tumutulong sa mga magsasaka. Magkaibang imbensyon, parehong bunga ng talino at sipag ng mga kabataang Pilipino sa larangan ng siyensya. Ating kilalanin ang mga kabataan na, sa murang edad pa lamang, ay nagsisimula nang maging bahagi ng solusyon. Panoorin ang buong kwento sa ExperTalk!
Posted on 07/15/2025 08:52 am
Agarang solusyon sa pagtutulungan ng iba't ibang institusyon ang kinakailangan para mapuksa ang sakit na ito na nagpapahirap sa ating mga small-scale farmers. Ating alamin kung ano nga ba ito na sumasalakay ngayon sa mga taniman sa iba't ibang probinsya ng Mindanao, at kilalanin ang grupo ng mga mananaliksik na gumagawa ng paraan upang mapuksa ito. Panuorin ang buong kwento sa ExperTalk.
Posted on 06/17/2025 02:53 pm
LOOK: Muling pinatunayan ng mga Pilipinong siyentista at imbentor na hindi pahuhuli ang galing ng Pinoy pagdating sa makabagong teknolohiya! Sa DOST-PCIEERD Spin-off Technologies Exhibit and Business Matching Opportunity, tampok ang siyam na makabagong imbensyon na sagot sa mga suliranin sa agrikultura, enerhiya, at iba pa. Para sa kumpletong detalye ng kaganapan, narito ang report. #OneDOST4U #DOSTv
Posted on 06/17/2025 02:42 pm
"Marami po kaming struggles sa pag-aaral lalo na po sa mga resources, as visually impaired hindi po lahat ng libro na nasa school ay naipo-provide po at hindi po lahat ng subject ay meron po silang accessible materials para magamit po namin."
Posted on 05/22/2025 08:51 am
UPDATE: Hindi inaalis ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS-DOST) ang posibilidad ng panibagong pagputok ng Bulkang Bulusan sa Sorsogon lalo’t itinaas na ito sa Alert level 1. Pinag-iingat naman ang ilang residente na nakatira malapit sa bulkan mula sa banta ng mga volcanic hazard.
Posted on 05/22/2025 08:48 am
Kilalanin ang mga nagwagi sa 2025 NAST Environmental Science Award (NESA) at ang mga finalist para sa 2025 NAST Talent Search for Young Scientists.
Posted on 05/22/2025 08:40 am
Cacao, ating mas kilalanin pa! Alamin ang mga programa at proyekto para sa pagpapalago at pananaliksik nito, kasama ang health benefits at mga bagong teknolohiya, sa pangunguna ng Cacao R&D Center at Kasanggang NICER In Functional Food Excellence. Abangan sa Science Pinas!
Posted on 05/22/2025 08:34 am
Episode 11 | Season 1 | Science Pinas: MOLLUSK | ???? Iloilo Ang mollusks ay isang grupo ng mga invertebrate o mga hayop na walang gulugod, o spine. Dito sa Pilipinas, iba’t ibang uri ng mollusk ang may malaking ambag sa ekonomiya, bilang pangunahing pagkain at kabuhayan ng mga Pilipino—gaya ng tahong, pusit, talaba, at marami pang iba! Upang mapalawak ang ating kaalaman sa mga mollusk, samahan niyo kami dito sa Science Pinas as we visit Iloilo!
Posted on 05/02/2025 05:33 pm
Meet Ms. Giselle Geraldino: A proud UPLB alumna and a former DOST scholar with a passion for biology and serving the people.
Posted on 05/02/2025 05:29 pm
Join Ms. Irene A. Brillo, an expert with a master's in Archives and Records Management, as she shares her insights and tips on archiving.