Siyensikat S05 EP 7: Lab-grown skin, posible!

Posted on 12/03/2024 01:28 pm

Imagine, ang skin o balat galing sa laboratoryo?
Magpaalam na sa pagsusuri gamit ang mga hayop sa pamamagitan ng 3D bioprinting laboratory ng Pharma GalenX Innovations na pinondohan ng Department of Science and Technology sa ilalim ng Science for Change Program. Ang bioprinting laboratory, na kauna-unahan sa rehiyon ng Iloilo, ay magpapahintulot sa pag-develop ng katumbas ng balat ng tao gamit ang 3D bioprinting technology para sa mga pag-aaral na may kinalaman sa mga topical formulations.
Pinaniniwalaang ang mga lab-grown skins ay mas maaasahan at nagbibigay ng mas magagandang resulta para sa pagtukoy ng mga bagong compound. Gayundin, mapapabilis nito ang timeline ng pag-develop ng mga produkto ng kumpanya at nagbibigay ng garantiya para sa mga epektibo at makabagong produkto.
#Siyensikat #onedost4u #scienceforthepeople #dostv

Category: Siyensikat