dost

ExpertTalk S04 E7: Plant Doctors

Posted on 11/28/2024 08:57 am

Maliit man daw ay talagang nakakapuwing. Sa liit nito, 'di mo aakalaing kaya nitong lipulin ang libu-libong ektarya ng mga sagingan. ???? Maituturing itong isang malaking pasanin para sa mga magsasaka natin sa Mindanao. Mahirap man, hindi sumusuko ang ating mga #NextGenPlantDoctors tulad nina Johanna at Vlad mula sa University of Southeastern Philippines Tagum-Mabini Campus upang labanan ang epidemyang bumabalot sa industriya ng saging.

ExpertTalk S04 E6: Secret Life of Lichens

Posted on 11/28/2024 08:54 am

Lowkey lang ang galawan ng ating bida sa #ExperTalk ngayong Sabado. Hindi man natin pansin, sila ay may malaking ambag sa pagpapanatili ng kalikasan. Nakakatulong ang mga ito sa paglilinis ng hangin at sila rin ay indikasyon ng kalidad ng ating kapaligiran. Ano nga ba ang kahalagahan ng #Lichens at ano ang impact nito sa ating ecosystem? Alamin ang kwento kasama ang ating #NextGenLichenologist dito lang sa ExperTalk.

ExperTalk S04 E5: Pelikula at Kasaysayan

Posted on 11/28/2024 08:51 am

Ang bawat pelikula ay sumasalamin sa istorya at kasaysayan ng bawat panahon. Sabay-sabay nating alamin ang siyensya sa likod ng film archiving and restoration kasama si Miguel, ang ating #NextGenFilmArchivist mula sa Film Development Council of the Philippines

ExperTalk S04 E4: Invisible Impact

Posted on 11/28/2024 08:49 am

Sa kailaliman ng lupa, may mga nakatagong maliliit na nilalang na hindi agad nakikita. Bagaman maliit, malaki ang kanilang papel sa ating kalikasan. Tinagurian silang mga bioindicators; kapag marami ang kanilang populasyon sa lupa, nangangahulugan itong sagana ang ecosystem na kinabibilangan nito. Sa kasamaang palad, ang mga ito ay humaharap sa mga banta dulot ng pagmimina.

ExperTalk S04 E3: Lagsaw: Ang natitirang lahi

Posted on 11/28/2024 08:47 am

Ano nga ba ang papel ng Siyensya sa pagprotekta sa mga critically endangered Visayan Spotted Deer laban sa pagkaubos nito? Panuorin sa episode na ito kasama ang ating mga #NextGenBiologists.

Expertalk S04 E1: Butterfly Diaries: In the eyes of a young Lepidopterist

Posted on 10/22/2024 10:13 am

ExperTalk S04 Episode 1: Hayag man ang makukulay at kapansin-pansin nitong itsura, maraming katanungan pa rin ang bumabalot sa nilalang na ito. Ating kilalanin ang sinasabing Messenger of God kasama ang ating #NextGen Lepidopterist na si Leizel.

Update sa Bulkang Taal, Mayon at Kanlaon (10 October 2024)

Posted on 10/22/2024 10:11 am

Narito na ang update sa Bulkang Taal, Kanlaon at Mayon.

Minor phreatomagmatic eruption, naganap sa Bulkang Taal (02 October 2024)

Posted on 10/22/2024 10:08 am

PANOORIN: Minor phreatomagmatic eruption, naganap sa Bulkang Taal ngayong araw. Ang detalye ihahatid sa atin ni Ma'am Maria Antonia V. Bornas, Chief Volcano Monitoring and Eruption Prediction Division ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS-DOST).

Balitang RapiDOST: “Tactics for Better PlasTIK"

Posted on 10/22/2024 10:06 am

WATCH: DOST PCIEERD katuwang ang SMIC, inilunsad ang “Tactics for Better PlasTIK", isang forum at exhibit na dinaluhan ng iba’t-ibang industry leaders, innovators, at mananaliksik mula sa iba’t ibang institusyon.

BR HANDA Pilipinas Mindanao Leg 2024

Posted on 10/22/2024 10:05 am

ICYMI: Ginanap ang huling yugto ng HANDA Pilipinas Leg sa pangalawang pinakamalaking pulo ng Pilipinas, Mindanao. Mga kaganapan sa naturang event, ating tunghayan sa ulat.