Sa likod ng bawat hibla ng kahoy ay nakatago ang kuwento ng ating bayan—
mga punong minsan nang tumayong saksi sa kasaysayan, at ngayo’y nagsisilbing susi sa pag-unawa sa ating likas na yaman.
Sa episode na ito ng Siyensikat, tuklasin natin ang Xylarium ng DOST-FPRDI — isang pambihirang koleksyon ng mga kahoy na iniingatan ng agham sa loob ng mahigit isang siglo. Dito, bawat specimen ay hindi lang tala ng kalikasan, kundi patunay ng koneksyon ng agham, sining, at kultura.
Alamin kung paano tinutukoy ng mga eksperto ang pagkakaiba-iba ng mga kahoy sa bansa, at kung paanong ang wood identification ay nakakatulong sa paglaban sa illegal logging, sa pagsasaayos ng mga makasaysayang istruktura, at sa pagpapanatili ng ating pambansang pagkakakilanlan.
tuwing Sabado | 9:00 AM | GTV | Super Radyo DZBB 594khz | FB Live: Super Radyo DZBB 594khz