Sa isang bansang madalas subukin ng kalikasan, tila bahagi na ng ating buhay ang mga lindol, bagyo, at pagputok ng bulkan. Ngunit sa likod ng bawat sakuna, may mga kuwento ng takot, pagkawala, at muling pagbangon na bihirang marinig—mga salaysay ng karanasang tunay na nagpatibay sa mga Pilipino.
Sa episode na ito ng Siyensikat, tuklasin natin ang DANAS Project, isang inisyatibong nagbibigay-boses sa mga nakaligtas sa sakuna sa pamamagitan ng localized sourcebooks na isinulat sa kanilang sariling wika.
Sa tulong ng mga katuwang mula sa UP Visayas, DMMMSU, at mga DRRM Offices ng Iloilo at Camiguin, alamin kung paano naisasalin ang mga kwento ng karanasan tungo sa kaalamang pangkaligtasan.
Dahil sa mga ganitong proyekto, ang agham ay hindi lamang tumutugon—ito ay nakikinig, natututo, at nakikibahagi sa kwento ng bawat Pilipino.
Tuwing Sabado | 9:00 AM | GTV | Super Radyo DZBB 594khz | FB Live: Super Radyo DZBB 594khz
DOST Philippines
Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS-DOST)
DOST-Science and Technology Information Institute