Posted on 10/29/2025 10:43 am
ICYMI: DOST-AMCen inilunsad ang National Additive Manufacturing Curriculum and courses upang maituro ang 3D printing at advanced manufacturing sa mga kabataan. Para sa kumpletong detalye ng balita, narito ang report.
Posted on 10/29/2025 10:40 am
Good news sa mga komyuter
Posted on 10/29/2025 10:37 am
BALIKAN: Ilang estudyante ng De La Salle Araneta University, nakiisa sa Siyensikat Caravan. Mapapanood na ang Siyensikat: Pinoy Popular Science para sa Lahat sa GTV, Radyo DZBB, at social media accounts ng DOSTv tuwing Sabado, 9:00 AM. #OneDOST4U #DOSTv #Siyensikat
Posted on 10/29/2025 10:34 am
Huling araw na ng RSTW Zampen at HANDA Pilipinas Mindanao Leg! Huwag palampasin na masilayan ang iba’t ibang exhibits na tampok ang makabagong teknolohiya at inobasyon, at dumalo sa mga forum na magbibigay ng dagdag kaalaman sa agham. Para sa detalye ng kaganapan. Panoorin sa report na ito.
Posted on 10/29/2025 10:33 am
ICYMI: Bagong weather tool ng DOST?PAGASA, ngayon ay naghahatid ng mas tumpak at mas madaling maunawaang impormasyon tungkol sa lagay ng panahon. Alamin kung paano ito ma-access sa ulat na ito.
Posted on 10/29/2025 10:31 am
LOOK: Skull implant na gawa sa 3D printing, tampok sa RSTW x HANDA Pilipinas Mindanao Leg Zamboanga City. Alamin kung paano makatutulong ang makabagong teknolohiyang ito sa mga Pilipino.
Posted on 10/29/2025 10:24 am
Isang makabagong handwriting assessment tool ang binubuo ngayon ng mga eksperto mula sa University of Santo Tomas, sa tulong DOST-PCHRD.
Posted on 10/29/2025 10:22 am
Sa bawat emergency, isang maling impormasyon o naantalang mensahe ay maaaring magbunga ng panganib.
Posted on 10/29/2025 10:18 am
Sa Buenavista, Marinduque, natagpuan ng mga magsasaka ang bagong pag-asa sa tulong ng agham. Sa pamamagitan ng solar powered hydrothermal dehydrator na binuo ng DOST, nagamit nila ang init ng araw at singaw mula sa Malbog Hot Spring upang mapabilis at mapaganda ang pagpapatuyo ng kanilang mga ani. Hindi na kailangang umasa sa panahon—ngayon, mas mataas ang kita at mas mababa ang nasasayang na produkto.
Posted on 10/29/2025 10:16 am
Baking facility at college diploma para sa mga Person Deprived of Liberty (PDL) sa San Jose, Antique? Naging posible 'yan sa pamamagitan ng Project HOPE ng University of Antique mula sa tulong na ipinagkaloob ng Department of Science and Technology. Parusa man kung ituring ang pagkakabilanggo, ngunit hindi ito nangangahulugan ng hindi pagbibigay oportunidad sa mga PDL.