Posted on 01/07/2026 08:48 am
LOOK: International Atomic Energy Agency katuwang ang Department of Science and Technology, layuning makontrol at mabawasan ang mga basurang plastic sa mundo. Bilang tugon, may mga proyekto na rin ang DOST-PNRI na gawing industrial materials ang mga basurang plastic gamit ang radiation. Para sa karagdagang detalye, narito ang ulat.
Posted on 01/07/2026 08:46 am
ICYMI: Sa tulong ng Radiation Technology, nagagawang maging matitibay na tiles at bricks ang mga plastic waste, na maaari namang gamitin sa pagtatayo ng bahay. Ang inobasyong ito ibinida ng DOST-PNRI sa mga deligado mula sa iba’t-ibang bansa na umani ng kaliwa’t-kanang papuri mula rito. Para sa dagdag na detalye narito ang report. DOST - Philippine Nuclear Research Institute #OneDOST4U #DOSTv #BalitangRapiDOST #nutecplastics #nuclearscience
Posted on 01/07/2026 08:45 am
ICYMI: Kilalanin ang mga Wildlife Experts mula sa UP Los Baños na bida sa ikalawang yugto ng Lakbay-Agham! Alamin kung paano nakakatulong ang makabuluhan nilang pag-aaral sa konserbasyon at pangangalaga ng ating wildlife. #OneDOST4U #DOSTv #DOST #BalitangRapiDOST #LakbayAgham #UPLB
Posted on 01/07/2026 08:42 am
LOOK: Talino, husay, at galing ng ating mga Filipino Inventors, kinilala at sinuportahan ng DOST. Para sa karagdagang detalye, narito ang ulat. #OneDOST4U #DOSTv #BalitangRapiDOST #LUNDUYAN2025 #DOSTTAPI
Posted on 01/06/2026 06:41 pm
Sa ating huling episode ng Siyensikat, samahan kami sa loob ng DOST Food Safety Laboratory—kung saan bawat pagkain ay sinusuri para sa kaligtasan, nutrisyon, at kalidad bago makarating sa pamilihan. Mula sa microscopic testing hanggang shelf life studies, malalaman natin kung paano binabantayan ng siyensya ang bawat produkto. Ito ang siyensyang hindi natin nakikita sa mesa, pero mahalagang bahagi ng bawat subo at bawat pamilyang Pilipino.
Posted on 01/06/2026 06:37 pm
Paborito mo ba ang pagkain ng iba't ibang putahe ng hipon sa mga handaan? Bago pa 'yan ihain sa ating mga hapag, dumadaan ito sa mahabang proseso ng shrimp farming sa palaisdaan. Dahil dyan, isang makabagong teknolohiya ang binubuo ng ating mga eksperto para sa mas epektibong pagmomonitor sa kalidad ng tubig sa mga palaisdaan. Kritikal kasi ang kalidad ng tubig sa pag-aalaga at pagpaparami ng mga hipon. Kung ano ang teknolohiyang 'yan, alamin natin sa Siyensikat!
Posted on 01/06/2026 06:29 pm
Sa larangan ng tungkulin at sa tahimik na yugto ng pagtanda, may dalawang katawang parehong naghahanap ng tibay. Ang isa sa gitna ng panganib; ang isa sa pagbagal ng panahon. Ngunit sa gitna ng pagkakaiba, nagtatagpo sila sa iisang pangangailangan—nutrisyon na nagbibigay-lakas, humuhubog ng katatagan, at nagtatayo ng tulay mula kahapon hanggang bukas.
Posted on 01/06/2026 06:26 pm
Isang teknolohiya para sa mabilisang paggaling ng sugat ang binubuo ngayon ng isang Pilipinong doktor sa tulong ng DOST-Philippine Council for Health Research and Development. Ito ang Aquavac, isang Negative Pressure Wound Therapy Device. Isa sa mga patunay sa pagiging epektibo ng Aquavac si Aling Cristina. Ang unang opinyon sa kanya ng Doktor, putulin ang kanyang kanang braso dahil sa lala ng aksidenteng kinasangkutan nya noon. Ngunit dahil sa paggamit ng Aquavac, laking pasalamat niya sa maituturing niyang pangalawang buhay ngayon.
Posted on 01/06/2026 06:23 pm
Sa isang bansang madalas subukin ng kalikasan, tila bahagi na ng ating buhay ang mga lindol, bagyo, at pagputok ng bulkan. Ngunit sa likod ng bawat sakuna, may mga kuwento ng takot, pagkawala, at muling pagbangon na bihirang marinig—mga salaysay ng karanasang tunay na nagpatibay sa mga Pilipino. Sa episode na ito ng Siyensikat, tuklasin natin ang DANAS Project, isang inisyatibong nagbibigay-boses sa mga nakaligtas sa sakuna sa pamamagitan ng localized sourcebooks na isinulat sa kanilang sariling wika.
Posted on 01/06/2026 06:19 pm
Sa likod ng bawat hibla ng kahoy ay nakatago ang kuwento ng ating bayan— mga punong minsan nang tumayong saksi sa kasaysayan, at ngayo’y nagsisilbing susi sa pag-unawa sa ating likas na yaman. Sa episode na ito ng Siyensikat, tuklasin natin ang Xylarium ng DOST-FPRDI — isang pambihirang koleksyon ng mga kahoy na iniingatan ng agham sa loob ng mahigit isang siglo. Dito, bawat specimen ay hindi lang tala ng kalikasan, kundi patunay ng koneksyon ng agham, sining, at kultura. Alamin kung paano tinutukoy ng mga eksperto ang pagkakaiba-iba ng mga kahoy sa bansa, at kung paanong ang wood identification ay nakakatulong sa paglaban sa illegal logging, sa pagsasaayos ng mga makasaysayang istruktura, at sa pagpapanatili ng ating pambansang pagkakakilanlan.