#ScienceForThePeople #DOSTv #TuklasLunas #dostPH
Ano nga ba ang mga mushroom discovery ng Tuklas Lunas Center sa Central Luzon State University? At paano nga ba natulungan nito ang mga mushroom farmer sa Lupao, Nueva Ecija?
Ang Tuklas Lunas ay isa sa mga programa ng Department of Science and Technology (DOST). Ang programang ito ay nakatutok sa pagtuklas at pagdevelop ng mga gamot mula sa mga natural resources, tulad ng kabute.
Tinutukan ng ahensya ang programang Tuklas Lunas sa pagasang makadiskubre ng bagong lunas sa mga sakit rito sa bansa. Sa pagaaral ng Tuklas Lunas Center sa Central Luzon State University, sa tulong ng DOST partikular na ang Philippine Council for Health Research and Development o DOST-PCHRD, natuklasan na hindi lamang pala simpleng lamang-tiyan ang kabute. Ito ay isang mabisang pagkaing gamot rin.
Ito ay may magandang epekto sa ating katawan at nagagamit bilang pagkaing gamot laban sa pagtaas ng presyon at diabetes.
Do you want us to feature your stories or cover your events?
Contact us at dostvph@gmail.com