Posted on 02/18/2021 06:26 am
Limang chicks ang matatanggap ng mga bagong laya mula sa San Ramon Prison and Penal Farm sa Zamboanga City. Hindi sakitin at hindi maselan sa panahon ang bagong develop na Native Chicken ng Western Mindanao State University na funded ng DOST PCAARRD. Dito lang yan sa Sinesiyensya, your sciflix at your fingertips!
Posted on 02/18/2021 06:25 am
Bawat nilalang ay may papel sa mundo, tulad ng dugong na malaki pala ang gampanin upang mapanatiling hitik sa nutrients ang sea grass ecosystem. Alamin natin yan kasama si Erina "INA" Molina, isang Marine Scientist, dito lang sa #SineSiyensya? your sciflix at your fingertips!
Posted on 02/18/2021 06:24 am
Samahan niyo kami ni Erina "INA" Pauline Molina, graduate from Philippine Science High School System na isa na ngayong Marine Scientist , upang tuklasin ang hiwaga ng dugong sa Calauit Island, Palawan. Dito lang yan sa inyong sciflix at your fingertips, #SineSiyensya?.
Posted on 02/18/2021 06:23 am
DOST scholar mula sa isa sa pinakamalayong isla ng Batanes, ang Itbayat. Isla ay tatawirin, maging alon ay susuungin. Alamin ang kaniyang kwento dito lang sa #SineSiyensya? your sciflix at your fingertips!
Posted on 02/18/2021 06:22 am
Nakatikim ka na ba ng Flying Fish? Kung meron tayong one-day old chicken dito sa Maynila, meron namang day-old dibang (Flying Fish) ang Batanes. At puwede niyo na rin itong iuwi mula Batanes, dahil vacuum-sealed na ito. Dahil yan sa Community Empowerment thru Science and Technology ng DOST!
Posted on 02/18/2021 06:21 am
Agri-products mula Batanes, yan ang bibida ngayong araw sa ating Sinesiyensya. Paano ba napabilis ng mga makabagong makinarya mula sa programa ng DOST na SETUP, ang paggawa ng kanilang mga produkto?
Posted on 02/18/2021 06:18 am
Balak mo bang pumunta ng Batanes after quarantine? Make sure to drop by sa Honesty Store para matikman ang mga napakasarap na cookies ng AJ's Bread and Pastries.
Posted on 11/06/2020 06:58 pm
Food Sustainability, yan ang goal ng kasama nating Siyenstista na si Doc Mudjie (Dr. Mudjekeewis D Santos). Alamin ang mga inisasagawa nilang pagaaral kung paano nga ba tayo magkakaroon ng sapat ng supply ng isda.
Posted on 11/06/2020 06:57 pm
Sapat na supply ng mga isda in the future, isa lamang yan sa mga benepisyo ng Fishing Closure. At alamin din natin ang "say" ng ating mga commercial fishing lines, at bakit sila pabor dito?
Posted on 11/06/2020 06:25 pm
Alam mo ba na karaniwang umaabot sa 8 to 9 years ang breeding program para sa mga tubo o sugarcane? Pero sa tulong ng siyensya at teknolohiya mas mapapaikli na ito ng 5 to 6 years! Paano? Samahan n’yo kaming alamin ‘yan sa Sugarlandia ng Pilipinas, Bacolod City.