Sa patuloy na pag-aalboroto ng bulkang Kanlaon, higit dalawampung pamilya ang pansamantalang inilikas mula sa loob ng six-kilometer danger zone ng bulkan sa Bago City, Negros Occidental.
Sa tulong ng Bago City Disaster Risk Reduction and Management Office, itinayo ang “Payag sang Kapag-on Village.” Isang simbolo ng kahandaan, pagkalinga, at pag-asa sa gitna ng mapanganib na banta ng bulkang Kanlaon.
Alamin natin kung paano ang nagiging koordinasyon ng DOST-PHIVOLCS at Bago City LGU para masiguro ang kahandaan at kaligtasan ng mga apektadong residente mula sa pag-aalboroto ng bulkan.