Posted on 07/15/2025 10:30 am
Sa patuloy na pag-aalboroto ng bulkang Kanlaon, higit dalawampung pamilya ang pansamantalang inilikas mula sa loob ng six-kilometer danger zone ng bulkan sa Bago City, Negros Occidental.
Posted on 07/15/2025 10:28 am
Mula sa pagsabog noong Hunyo 3, 2024 ng Bulkang Kanlaon hanggang sa patuloy na pagbabantay rito ngayon, paano ginagawa ng DOST-PHIVOLCS ang 24/7 monitoring sa isang aktibong bulkan? Alamin natin ang teknolohiya, kagamitan, at dedikasyon ng mga eksperto sa likod ng siyensyang ito. Panoorin ang unang bahagi ng Bantay-Bulkan special report ng DOSTv.
Posted on 07/15/2025 10:26 am
Nakapagtala ang DOST-PHIVOLCS ng anim na volcanic earthquake sa Bulkang Kanlaon sa Negros Island ngayong araw (16 June 2025). May posibilidad pa rin ng biglaang pagsabog mula sa bulkan dahil nakataas pa rin ito sa Alert Level 3. Narito ang update mula kay Engr. Mari-Andylene Quintia, ang Resident Volcanologist ng Kanlaon Volcano Observatory station.
Posted on 05/22/2025 08:51 am
UPDATE: Hindi inaalis ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS-DOST) ang posibilidad ng panibagong pagputok ng Bulkang Bulusan sa Sorsogon lalo’t itinaas na ito sa Alert level 1. Pinag-iingat naman ang ilang residente na nakatira malapit sa bulkan mula sa banta ng mga volcanic hazard.
Posted on 04/04/2025 08:56 am
Posibleng ibaba na sa Alert level 2 ang Bulkang Kanlaon kung hindi na magpapatuloy ang mga volcanic activity rito. Pero babala ng DOST-PHIVOLCS sa mga residente, ‘wag pa ring magpakampante sa kabila ng pananahimimik ng bulkan. Narito ang update. #ScienceforthePeople #DOSTv #BantayBulkan #OneDOST4U
Posted on 04/04/2025 08:53 am
#FactOrMythPart2: Napanood mo na ba ang pelikulang San Andreas? Ipinakita rito kung paano nagkakaroon ng malalaking bitak sa lupa at tila "kinakain" ang mga tao sa gitna ng isang malakas na lindol. Ngunit, nangyayari nga ba ito sa totoong buhay? Alamin natin ang kasagutan mula pa rin sa isang eksperto sa lindol! #BantayBulkan #DOSTv #OneDOST4U
Posted on 04/04/2025 08:51 am
#FactOrMythPart1: Madalas nating marinig na kaya ng mga hayop na maramdaman ang paparating na sakuna, tulad ng lindol. Ngunit gaano nga ba ito katotoo? Totoo kaya na may kakayahan silang mag-predict ng lindol, o isa lamang itong paniniwala? Alamin natin ang sagot mula mismo sa isang eksperto sa lindol! #BantayBulkan #DOSTv #OneDOST4U
Posted on 03/01/2025 10:11 am
Bulkan: Mga bundok na may anger issues????? Let’s fact-check with an expert from Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS-DOST)! ???????? #OneDOST4U #MythBusters #ScienceForThePeople #DOSTv #DOST #BantayBulkan
Posted on 03/01/2025 10:08 am
UPDATE: Tatlong bulkan sa Pilipinas, nananatiling nakataas ang alert level. Para sa karagdagang detalye, narito ang panayam. #OneDOST4U #BantayBulkan #DOSTv
Posted on 10/22/2024 10:11 am
Narito na ang update sa Bulkang Taal, Kanlaon at Mayon.