Sa kailaliman ng lupa, may mga nakatagong maliliit na nilalang na hindi agad nakikita. Bagaman maliit, malaki ang kanilang papel sa ating kalikasan. Tinagurian silang mga bioindicators; kapag marami ang kanilang populasyon sa lupa, nangangahulugan itong sagana ang ecosystem na kinabibilangan nito. Sa kasamaang palad, ang mga ito ay humaharap sa mga banta dulot ng pagmimina.