Posted on 11/28/2024 08:54 am
Lowkey lang ang galawan ng ating bida sa #ExperTalk ngayong Sabado. Hindi man natin pansin, sila ay may malaking ambag sa pagpapanatili ng kalikasan. Nakakatulong ang mga ito sa paglilinis ng hangin at sila rin ay indikasyon ng kalidad ng ating kapaligiran. Ano nga ba ang kahalagahan ng #Lichens at ano ang impact nito sa ating ecosystem? Alamin ang kwento kasama ang ating #NextGenLichenologist dito lang sa ExperTalk.
Posted on 11/28/2024 08:51 am
Ang bawat pelikula ay sumasalamin sa istorya at kasaysayan ng bawat panahon. Sabay-sabay nating alamin ang siyensya sa likod ng film archiving and restoration kasama si Miguel, ang ating #NextGenFilmArchivist mula sa Film Development Council of the Philippines
Posted on 11/28/2024 08:49 am
Sa kailaliman ng lupa, may mga nakatagong maliliit na nilalang na hindi agad nakikita. Bagaman maliit, malaki ang kanilang papel sa ating kalikasan. Tinagurian silang mga bioindicators; kapag marami ang kanilang populasyon sa lupa, nangangahulugan itong sagana ang ecosystem na kinabibilangan nito. Sa kasamaang palad, ang mga ito ay humaharap sa mga banta dulot ng pagmimina.
Posted on 11/28/2024 08:47 am
Ano nga ba ang papel ng Siyensya sa pagprotekta sa mga critically endangered Visayan Spotted Deer laban sa pagkaubos nito? Panuorin sa episode na ito kasama ang ating mga #NextGenBiologists.
Posted on 10/22/2024 09:50 am
LOOK: Unang araw ng National Youth Science, Technology, and Innovation Festival, hitik sa exciting activities! New Season ng #DOSTv programs na #ExperTalk at #Siyensikat, ni-launch na. Para sa iba pang detalye, panuorin ang ulat.