Posted on 12/03/2024 01:48 pm
LOOK: Inilunsad ng DOST - PTRI ang 2024 Philippines Textile Congress na may temang "Fostering Transdisciplinary Textile Knowledge Generation and Translation". Dinaluhan ang nasabing event ng mga industry leaders, experts, researchers, at mga mag-aaral mula sa ibat-ibang sektor. Ang layunin ng 2024 PTC ay isulong ang kinabukasan ng industriya ng textile sa Pilipinas.#OneDOST4U #ScienceForThePeople#DOSTv #BalitangRapiDOST
Posted on 12/03/2024 01:33 pm
Mataas ang demand sa silk sa Pilipinas, ngunit tanging 10% lamang ang nasusuplay ng bansa. Isa sa mga pangunahing layunin ng DOST - PTRI ay palawakin ang produksyon nito, partikular na ang Cocoon silk. Abangan lahat ng 'yan dito sa Siyensikat. #OneDOST4U #ScienceforthePeople #DOSTv #PopularScience
Posted on 12/03/2024 01:28 pm
Imagine, ang skin o balat galing sa laboratoryo? Magpaalam na sa pagsusuri gamit ang mga hayop sa pamamagitan ng 3D bioprinting laboratory ng Pharma GalenX Innovations na pinondohan ng Department of Science and Technology sa ilalim ng Science for Change Program. Ang bioprinting laboratory, na kauna-unahan sa rehiyon ng Iloilo, ay magpapahintulot sa pag-develop ng katumbas ng balat ng tao gamit ang 3D bioprinting technology para sa mga pag-aaral na may kinalaman sa mga topical formulations.
Posted on 12/03/2024 01:22 pm
Tubig is life. Paano na lang kung mawala ito????????? 'Yan ang problemang nais tugunan ng isang Filipino inventor na malaki ang maitutulong sa ating mga kababayan. Abangan ang kwento sa #Siyensikat. #OneDOST4U #ScienceForThePeople #inventor
Posted on 12/03/2024 10:14 am
Tinutukoy na ang bawat tao, anuman ang katayuan sa buhay, ay may karapatang tratuhin ng may respeto at bigyan ng pagkakataon na kumita ng marangal na kabuhayan, ginamit ng DOST-NCR ang Two Breads in One Stone (2B1S) na pamamaraan sa pagbibigay ng teknikal na tulong sa Bigay Buhay Multi-Purpose Cooperative (BBMC), isang non-profit na grupo na binubuo ng mga taong may kapansanan (PWD) at kanilang mga magulang.
Posted on 12/03/2024 10:12 am
Ang pangunahing layunin ng Halal Verification Laboratory ay ang subukan ang mga produktong food at non-food upang matiyak na hindi ito naglalaman ng mga ipinagbabawal sa Islam. Nag-aalok ang DOST XI HVL ng mga serbisyo tulad ng Pagsusuri ng Ethanol na sumusubok sa presensya ng ethanol sa pagkain at inumin, Pagsusuri ng Gelatin na sumusubok sa presensya ng baboy sa mga produktong gelatin, at Pagtuklas ng Porcine DNA sa pamamagitan ng RT-PCR na tumutukoy sa presensya ng DNA ng baboy sa mga produktong hindi gelatin.
Posted on 12/03/2024 10:06 am
Ang Vertical Helophyte Filter System ay isang sistema ng paggamot ng wastewater na gumagamit ng mga halaman (Helophytes) upang linisin at tanggalin ang mga pollutant mula sa wastewater. Gumagamit ang sistema ng patayong daloy (Vertical flow) na disenyo, na nagpapahintulot ng mas mabisang paglilinis ng wastewater gamit ang likas na katangian ng mga halaman sa pagdalisay.
Posted on 11/28/2024 08:57 am
Maliit man daw ay talagang nakakapuwing. Sa liit nito, 'di mo aakalaing kaya nitong lipulin ang libu-libong ektarya ng mga sagingan. ???? Maituturing itong isang malaking pasanin para sa mga magsasaka natin sa Mindanao. Mahirap man, hindi sumusuko ang ating mga #NextGenPlantDoctors tulad nina Johanna at Vlad mula sa University of Southeastern Philippines Tagum-Mabini Campus upang labanan ang epidemyang bumabalot sa industriya ng saging.
Posted on 11/28/2024 08:54 am
Lowkey lang ang galawan ng ating bida sa #ExperTalk ngayong Sabado. Hindi man natin pansin, sila ay may malaking ambag sa pagpapanatili ng kalikasan. Nakakatulong ang mga ito sa paglilinis ng hangin at sila rin ay indikasyon ng kalidad ng ating kapaligiran. Ano nga ba ang kahalagahan ng #Lichens at ano ang impact nito sa ating ecosystem? Alamin ang kwento kasama ang ating #NextGenLichenologist dito lang sa ExperTalk.
Posted on 11/28/2024 08:51 am
Ang bawat pelikula ay sumasalamin sa istorya at kasaysayan ng bawat panahon. Sabay-sabay nating alamin ang siyensya sa likod ng film archiving and restoration kasama si Miguel, ang ating #NextGenFilmArchivist mula sa Film Development Council of the Philippines