DOSTv

Balitang RapiDOST: DOST-PHIVOLCS DANAS PROJECT

Posted on 12/03/2024 02:07 pm

ICYMI: Sa pangalawang araw ng #NSTW2024, inilunsad ng DOST-PHIVOLCS sa ilalim ng DANAS Project ang Sourcebooks na tumatalakay sa karanasan ng mga komunidad sa lindol at pagputok ng bulkan. Layunin ng Sourcebooks na ipakita ang technical information, community experience, at maipalapit ang agham sa iba’t-ibang komunidad. Para sa iba pang detalye narito ang ulat. #OneDOST4U #ScienceForThePeople #DOSTv

Balitang RapiDOST: DOST-ITDI FAPAS

Posted on 12/03/2024 01:51 pm

LOOK: Nakakuha ng Satisfactory result sa lahat ng chemical testing parameters and Chemistry Laboratory - isa sa mga technical services division ng DOST-ITDI. Para sa iba pang detalye, narito ang ulat. #DOSTv #BalitangRapiDOST #OneDOST4U #ScienceForThePeople

Balitang RapiDOST: 2024 Philippine Textile Congress

Posted on 12/03/2024 01:48 pm

LOOK: Inilunsad ng DOST - PTRI ang 2024 Philippines Textile Congress na may temang "Fostering Transdisciplinary Textile Knowledge Generation and Translation". Dinaluhan ang nasabing event ng mga industry leaders, experts, researchers, at mga mag-aaral mula sa ibat-ibang sektor. Ang layunin ng 2024 PTC ay isulong ang kinabukasan ng industriya ng textile sa Pilipinas.#OneDOST4U #ScienceForThePeople#DOSTv #BalitangRapiDOST

Siyensikat S05 EP 8: Silk Cocoon Production

Posted on 12/03/2024 01:33 pm

Mataas ang demand sa silk sa Pilipinas, ngunit tanging 10% lamang ang nasusuplay ng bansa. Isa sa mga pangunahing layunin ng DOST - PTRI ay palawakin ang produksyon nito, partikular na ang Cocoon silk. Abangan lahat ng 'yan dito sa Siyensikat. #OneDOST4U #ScienceforthePeople #DOSTv #PopularScience

Siyensikat S05 EP 7: Lab-grown skin, posible!

Posted on 12/03/2024 01:28 pm

Imagine, ang skin o balat galing sa laboratoryo? Magpaalam na sa pagsusuri gamit ang mga hayop sa pamamagitan ng 3D bioprinting laboratory ng Pharma GalenX Innovations na pinondohan ng Department of Science and Technology sa ilalim ng Science for Change Program. Ang bioprinting laboratory, na kauna-unahan sa rehiyon ng Iloilo, ay magpapahintulot sa pag-develop ng katumbas ng balat ng tao gamit ang 3D bioprinting technology para sa mga pag-aaral na may kinalaman sa mga topical formulations.

Siyensikat S05 EP 3: Vertical Helophyte Filter System

Posted on 12/03/2024 10:06 am

Ang Vertical Helophyte Filter System ay isang sistema ng paggamot ng wastewater na gumagamit ng mga halaman (Helophytes) upang linisin at tanggalin ang mga pollutant mula sa wastewater. Gumagamit ang sistema ng patayong daloy (Vertical flow) na disenyo, na nagpapahintulot ng mas mabisang paglilinis ng wastewater gamit ang likas na katangian ng mga halaman sa pagdalisay.

ExpertTalk S04 E7: Plant Doctors

Posted on 11/28/2024 08:57 am

Maliit man daw ay talagang nakakapuwing. Sa liit nito, 'di mo aakalaing kaya nitong lipulin ang libu-libong ektarya ng mga sagingan. ???? Maituturing itong isang malaking pasanin para sa mga magsasaka natin sa Mindanao. Mahirap man, hindi sumusuko ang ating mga #NextGenPlantDoctors tulad nina Johanna at Vlad mula sa University of Southeastern Philippines Tagum-Mabini Campus upang labanan ang epidemyang bumabalot sa industriya ng saging.

ExpertTalk S04 E6: Secret Life of Lichens

Posted on 11/28/2024 08:54 am

Lowkey lang ang galawan ng ating bida sa #ExperTalk ngayong Sabado. Hindi man natin pansin, sila ay may malaking ambag sa pagpapanatili ng kalikasan. Nakakatulong ang mga ito sa paglilinis ng hangin at sila rin ay indikasyon ng kalidad ng ating kapaligiran. Ano nga ba ang kahalagahan ng #Lichens at ano ang impact nito sa ating ecosystem? Alamin ang kwento kasama ang ating #NextGenLichenologist dito lang sa ExperTalk.

ExperTalk S04 E5: Pelikula at Kasaysayan

Posted on 11/28/2024 08:51 am

Ang bawat pelikula ay sumasalamin sa istorya at kasaysayan ng bawat panahon. Sabay-sabay nating alamin ang siyensya sa likod ng film archiving and restoration kasama si Miguel, ang ating #NextGenFilmArchivist mula sa Film Development Council of the Philippines

ExperTalk S04 E4: Invisible Impact

Posted on 11/28/2024 08:49 am

Sa kailaliman ng lupa, may mga nakatagong maliliit na nilalang na hindi agad nakikita. Bagaman maliit, malaki ang kanilang papel sa ating kalikasan. Tinagurian silang mga bioindicators; kapag marami ang kanilang populasyon sa lupa, nangangahulugan itong sagana ang ecosystem na kinabibilangan nito. Sa kasamaang palad, ang mga ito ay humaharap sa mga banta dulot ng pagmimina.