DOSTv

Siyensikat S05 EP 8: Silk Cocoon Production

Posted on 12/03/2024 01:33 pm

Mataas ang demand sa silk sa Pilipinas, ngunit tanging 10% lamang ang nasusuplay ng bansa. Isa sa mga pangunahing layunin ng DOST - PTRI ay palawakin ang produksyon nito, partikular na ang Cocoon silk. Abangan lahat ng 'yan dito sa Siyensikat. #OneDOST4U #ScienceforthePeople #DOSTv #PopularScience

Siyensikat S05 EP 7: Lab-grown skin, posible!

Posted on 12/03/2024 01:28 pm

Imagine, ang skin o balat galing sa laboratoryo? Magpaalam na sa pagsusuri gamit ang mga hayop sa pamamagitan ng 3D bioprinting laboratory ng Pharma GalenX Innovations na pinondohan ng Department of Science and Technology sa ilalim ng Science for Change Program. Ang bioprinting laboratory, na kauna-unahan sa rehiyon ng Iloilo, ay magpapahintulot sa pag-develop ng katumbas ng balat ng tao gamit ang 3D bioprinting technology para sa mga pag-aaral na may kinalaman sa mga topical formulations.

Siyensikat S05 EP 3: Vertical Helophyte Filter System

Posted on 12/03/2024 10:06 am

Ang Vertical Helophyte Filter System ay isang sistema ng paggamot ng wastewater na gumagamit ng mga halaman (Helophytes) upang linisin at tanggalin ang mga pollutant mula sa wastewater. Gumagamit ang sistema ng patayong daloy (Vertical flow) na disenyo, na nagpapahintulot ng mas mabisang paglilinis ng wastewater gamit ang likas na katangian ng mga halaman sa pagdalisay.

ExpertTalk S04 E7: Plant Doctors

Posted on 11/28/2024 08:57 am

Maliit man daw ay talagang nakakapuwing. Sa liit nito, 'di mo aakalaing kaya nitong lipulin ang libu-libong ektarya ng mga sagingan. ???? Maituturing itong isang malaking pasanin para sa mga magsasaka natin sa Mindanao. Mahirap man, hindi sumusuko ang ating mga #NextGenPlantDoctors tulad nina Johanna at Vlad mula sa University of Southeastern Philippines Tagum-Mabini Campus upang labanan ang epidemyang bumabalot sa industriya ng saging.

ExpertTalk S04 E6: Secret Life of Lichens

Posted on 11/28/2024 08:54 am

Lowkey lang ang galawan ng ating bida sa #ExperTalk ngayong Sabado. Hindi man natin pansin, sila ay may malaking ambag sa pagpapanatili ng kalikasan. Nakakatulong ang mga ito sa paglilinis ng hangin at sila rin ay indikasyon ng kalidad ng ating kapaligiran. Ano nga ba ang kahalagahan ng #Lichens at ano ang impact nito sa ating ecosystem? Alamin ang kwento kasama ang ating #NextGenLichenologist dito lang sa ExperTalk.

ExperTalk S04 E5: Pelikula at Kasaysayan

Posted on 11/28/2024 08:51 am

Ang bawat pelikula ay sumasalamin sa istorya at kasaysayan ng bawat panahon. Sabay-sabay nating alamin ang siyensya sa likod ng film archiving and restoration kasama si Miguel, ang ating #NextGenFilmArchivist mula sa Film Development Council of the Philippines

ExperTalk S04 E4: Invisible Impact

Posted on 11/28/2024 08:49 am

Sa kailaliman ng lupa, may mga nakatagong maliliit na nilalang na hindi agad nakikita. Bagaman maliit, malaki ang kanilang papel sa ating kalikasan. Tinagurian silang mga bioindicators; kapag marami ang kanilang populasyon sa lupa, nangangahulugan itong sagana ang ecosystem na kinabibilangan nito. Sa kasamaang palad, ang mga ito ay humaharap sa mga banta dulot ng pagmimina.

Balitang RapiDOST: RSTW 2024 SOCCSKSARGEN

Posted on 10/22/2024 10:02 am

ICYMI: Regional Science, Technology, and Innovation week sa SOCCSKSARGEN, matagumpay na ginanap sa General Santos City! Mga event and programs sa #2024RSTWSOX, alamin sa ulat.

Balitang RapiDOST: NYSTIF Day 2 - STARBOOKS WhizBee

Posted on 10/22/2024 10:01 am

ICYMI: Sa pangalawang araw ng National Youth Science, Technology and Innovation Festival, mga estudyante mula sa mga DOST-STARBOOKS School Beneficiaries, naglaban-laban sa 2024 STARBOOKS Whiz Bee.

Balitang RapiDOST: NYSTIF 2024 Day 3

Posted on 10/22/2024 09:56 am

LOOK: Tayo nang libutin ang iba't ibang exhibit na handog ng mga ahensya ng Department of Science and Technology. Dito lang yan sa 2024 National Youth Science, Technology and Innovation Festival.