Posted on 07/15/2025 10:30 am
Sa patuloy na pag-aalboroto ng bulkang Kanlaon, higit dalawampung pamilya ang pansamantalang inilikas mula sa loob ng six-kilometer danger zone ng bulkan sa Bago City, Negros Occidental.
Posted on 07/15/2025 10:28 am
Mula sa pagsabog noong Hunyo 3, 2024 ng Bulkang Kanlaon hanggang sa patuloy na pagbabantay rito ngayon, paano ginagawa ng DOST-PHIVOLCS ang 24/7 monitoring sa isang aktibong bulkan? Alamin natin ang teknolohiya, kagamitan, at dedikasyon ng mga eksperto sa likod ng siyensyang ito. Panoorin ang unang bahagi ng Bantay-Bulkan special report ng DOSTv.
Posted on 07/15/2025 10:26 am
Nakapagtala ang DOST-PHIVOLCS ng anim na volcanic earthquake sa Bulkang Kanlaon sa Negros Island ngayong araw (16 June 2025). May posibilidad pa rin ng biglaang pagsabog mula sa bulkan dahil nakataas pa rin ito sa Alert Level 3. Narito ang update mula kay Engr. Mari-Andylene Quintia, ang Resident Volcanologist ng Kanlaon Volcano Observatory station.