Posted on 01/07/2026 09:02 am
DOST-PHIVOLCS, nakapagtala ng minor phreatic eruption sa Bulkang Taal kaninang hating gabi (04 December 2025).
Posted on 01/07/2026 08:56 am
Sa pagpapatuloy ng ating pagkilala sa ating mga siyentipiko na may malaking kontribusyon sa pagpapaunlad ng agham sa bansa, ipinakilala sa ikalawang yugto ng Lakbay-Agham ang mga eksperto na nasa likod ng mga pag-aaral upang mapabuti ang produktibidad ng mga ruminants tulad ng baka, kambing at kalabaw. Para sa kumpletong detalye, narito ang report.
Posted on 01/07/2026 08:46 am
ICYMI: Sa tulong ng Radiation Technology, nagagawang maging matitibay na tiles at bricks ang mga plastic waste, na maaari namang gamitin sa pagtatayo ng bahay. Ang inobasyong ito ibinida ng DOST-PNRI sa mga deligado mula sa iba’t-ibang bansa na umani ng kaliwa’t-kanang papuri mula rito. Para sa dagdag na detalye narito ang report. DOST - Philippine Nuclear Research Institute #OneDOST4U #DOSTv #BalitangRapiDOST #nutecplastics #nuclearscience
Posted on 10/29/2025 10:44 am
LOOK: Mga teknolohiyang pinondohan ng DOST, layuning gawing matagumpay na negosyo sa tulong ng programang PROPEL! Alamin kung paano ito mangyayari dito sa report.
Posted on 10/29/2025 10:22 am
Sa bawat emergency, isang maling impormasyon o naantalang mensahe ay maaaring magbunga ng panganib.
Posted on 09/23/2025 01:03 pm
Malaki ang papel ng siyensya sa pagkamit ng hustisya. Kaya naman ngayong umaga, ating tuklasin ang isang makabagong teknolohiya na layong palakasin ang crime investigation education sa bansa.
Posted on 09/02/2025 03:09 pm
“Sa Bagong Pilipinas, ang agham ay ramdam.” Ito ang binigyang diin ni DOST Secretary Renato U. Solidum Jr. sa isinagawang Post-SONA discussions. Tinalakay dito ang iba’t ibang inisyatibo at programa ng DOST na siyang ibinida ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanyang 4th State of the Nation Address.
Posted on 07/15/2025 10:30 am
Sa patuloy na pag-aalboroto ng bulkang Kanlaon, higit dalawampung pamilya ang pansamantalang inilikas mula sa loob ng six-kilometer danger zone ng bulkan sa Bago City, Negros Occidental.
Posted on 07/15/2025 10:28 am
Mula sa pagsabog noong Hunyo 3, 2024 ng Bulkang Kanlaon hanggang sa patuloy na pagbabantay rito ngayon, paano ginagawa ng DOST-PHIVOLCS ang 24/7 monitoring sa isang aktibong bulkan? Alamin natin ang teknolohiya, kagamitan, at dedikasyon ng mga eksperto sa likod ng siyensyang ito. Panoorin ang unang bahagi ng Bantay-Bulkan special report ng DOSTv.
Posted on 07/15/2025 10:26 am
Nakapagtala ang DOST-PHIVOLCS ng anim na volcanic earthquake sa Bulkang Kanlaon sa Negros Island ngayong araw (16 June 2025). May posibilidad pa rin ng biglaang pagsabog mula sa bulkan dahil nakataas pa rin ito sa Alert Level 3. Narito ang update mula kay Engr. Mari-Andylene Quintia, ang Resident Volcanologist ng Kanlaon Volcano Observatory station.