Siyensikat S04 CNN EP04: Tawa Tawa Anti-Dengue Herbal Supplement

Posted on 07/11/2024 04:44 pm

Sa tuwing may usapin na may kinalaman sa dengue, dahon ng Tawa-Tawa ang laging hinahanap ng wisher na si Joy Cantela at ilang residente ng Bacolod City. Naniniwala silang mabisang pantulong ito sa mga nakakaranas ng dengue. Ang problema, mahirap makahanap ng dahon ng Tawa-Tawa sa kanilang lugar. 

Pero dahil sa isang pag-aaral na isinagawa ang Herbanext Laboratories Inc. at pondo mula sa DOST-Philippine Council for Health Research and Development (DOST-PCHRD), matutupad na ang hiling ng wisher na si Joy. Tunghayan sa pinakabagong season ng Siyensikat: Pinoy Popular Science Para sa Lahat ang kuwentong iyan. #DOSTv #OneDOST4U #SiyensikatSeason4 #ScienceForThePeople

Category: Siyensikat
Tags: