Dahil sa banta ng pandemya ng COVID-19, maraming institusyong pang-edukasyon sa buong mundo ang gumamit ng paraang distance learning -- virtual ng pakikipag-ugnayan at paghahatid ng mga lessons.
Gayunpaman, para sa mga mag-aaral sa malalayong lugar na walang access sa internet, ang distance learning ay isang malaking pakikibaka. Ang Resilient Education Information Infrastructure for the New Normal (REIINN) Project ng DOST ay naglalayong resolbahin ang digital divide sa bansa sa pamamagitan ng pagbuo at pag-deploy ng mga network ng LTE sa malalayong lugar at hindi gaanong naseserbisyuhan na mga komunidad.
Ang kwento ni Ellen, panuorin natin sa episode na ito ng #Siyensikat.
More of our videos? Check out www.dostv.ph