Lagpas sa kalahati o 60% ng residente ng Brgy. 412 sa Manila, maituturing na mahirap o indigent dahil sa kawalan ng hanap-buhay. Nasa 40% sa kanila, nakatira pa sa mga kanal. Ang hiling nila, magkaroon ng pagkakakitaan upang makabangon sa buhay.
Tunghayan sa pinakabagong season ng Siyensikat: Pinoy Popular Science Para sa Lahat kung paano tutuparin ng DOST-National Capital Region (DOST-NCR) ang kahilingang iyan sa tulong ng kanilang mga programa. #DOSTv #OneDOST4U #SiyensikatSeason4 #ScienceForThePeople