Pumapasok ka man sa trabaho o eskuwela, paniguradong hindi mawawala sa mga malalaking kalbaryo mo ang traffic. Sa 2020 datos ng TomTom Traffic Index, ikalawa ang Metro Manila sa may pinakamalala o worst traffic congestion sa 416 cities sa 57 mga bansa sa buong mundo.
Tutukan sa #Siyensikat kung papaano ito lulutasin ni Balik Scientist Engr. Syrus Borja Gomari gamit ang data science, software development, automated vehicles, at video artificial intelligence. #DOSTv #OneDOST4U