Siyensikat S03 EP02: Citronella (CNN Philippines)

Posted on 07/11/2024 03:10 pm

Pinatunayan ng isang komunidad ng kababaihan sa Lal-lo, Cagayan na hindi malilimitahan ang taong kayang tulungan ng isang pusong mapaglingkod. Ang Citronella business nila na lumago sa tulong ng DOST, hindi lang panlaban sa dengue sa kanilang bayan, kundi sandigan rin ng mga kabataang nangangarap na maging young entrepreneurs.

Tutukan sa ikalawang episode ng #Siyensikat kung paano naging mahalagang sangkap ang agham at teknolohiya sa kanilang negosyo at pag-unlad. #DOSTv #OneDOST4U

Category: Siyensikat
Tags: