Posted on 06/28/2023 05:00 pm
#ThrowbackWednesday tayo ngayong hapon! Ating balikan at sariwain ang tatlo sa pinakatumatak na istorya ng ating programa. Simula ngayong Hulyo, mapapanuod niyo na ang bago at mas exciting na #ExperTalk sa CNN Philippines! #ExperTalkOnline #OneDOST4u
Posted on 10/12/2022 05:00 pm
WATCH: Panghahalay. Panggagahasa. Rape at Sexual Assault. Alamin paano makakatulong ang SIYENSYA sa pagbibigay HUSTISYA sa mga biktima ng ganitong urii ng krimen..Dito lang sa EXPERTALK ONLINE. #EXPERTALKONLINE #SCIENCEFORJUSTICE #OneDOST4U
Posted on 09/28/2022 04:00 pm
WATCH: Gusto mo ng natural, at walang halong kemikal? Organic Farming ang solusyon jan! Tayo na’t bisitahin ang La Granja De Reyna Farm sa Tacloban, Leyte, na gumagamit ng ganitong farming system, at tikman ang kanilang mga organic food! Ganun din ang mga hakbang na ginagawa ng DOST Region VIII, upang matulungan ang ating mga magsasaka, gamit ang Agham at Teknolohiya. Dito lang sa #ExperTalkOnline. #HealthyOrganic #ScienceForThePeople #OneDOST4U
Posted on 09/21/2022 08:56 am
WATCH: Buti pa ang balut at salted egg tumatagal… ang shelf life! Ma-EGGcite at alamin kung ano nga ba ang Rapid Hygienic Curing Technology na gawa ni Mr. Kerwin Perez dito lang sa #ExperTalkOnline. #OneDOST4U #ScienceForThePeople
Posted on 09/14/2022 09:03 am
WATCH: Ultimate Plantito & Plantita card: Activated! Ornamental plant tissue culture? Ano yon’? Alamin natin ang papel ng Innovative Tissue Culture o iLAB sa pagpaparami ng halaman. Tutok lang kasama sina Dr. Roel Dela Cruz, Municipal Agriculturist ng Guiguinto at Ms. Ma. Cecilia Santos ng iLAB dito lang sa #ExperTalkOnline. #ScienceForThePeople #OneDOST4U
Posted on 09/07/2022 09:05 am
WATCH: Alamin natin ang proyektong Hydraulic Ramp Pump o HYDRAM na naglalayon na makapaghatid ng malinis na tubig sa komunidad ng Sitio Camachile. Tutok lang kasama si Engr. Inla Diana Cayabyab-Salonga, Project Leader dito lang sa #ExperTalkOnline. #ScienceForThePeople #OneDOST4U
Posted on 08/31/2022 09:06 am
WATCH: Samahan natin si Profesor Elsie Guibone at alamin ang pasikot-sikot ng Aquaculture Industry, at kung ano ang maaring maitulong nito sa pagresolba ng food shortage sa Pilipinas, dito sa ExperTalk Online. #ExperTalkOnline #ScienceForthePeople #DOSTv #BidaAquaKultura #OneDOST4U
Posted on 08/26/2022 09:08 am
Gaano nga ba kahalaga ang “work-life balance” para sa isang busy scientist? Alamin natin ‘yan mula kay Elyson Encarnacion na halos 13 years nang Chemist sa DOST-ITDI. #ScienceForThePeople #OneDOST4U
Posted on 08/17/2022 09:11 am
WATCH: Pabango at pampalasa mula sa dahon at balat ng kahoy? Syempre, puwede yan! Samahan n'yo ako sa isang makabuluhang usapan kasama si Forester Florena Samiano. Dito lang sa ExperTalk Online!
Posted on 08/10/2022 09:13 am
Watch: Saging, hindi lamang panghimagas, makakatulong pang maibsan ang init sa loob ng ating mga bahay. Posible nga ba? 'Yan ang ibabahagi sa atin ni Engr. Gil Sapin ng DOST-FPRDI dito lang sa #ExpertalkOnline. Missed an episode? Check out www.dostv.ph #ScienceForThePeople #dostPH #DOSTv