dost

ExperTalk - Dr. Jey-R Ventura Part 2 (DOSTv Episode 616)

Posted on 10/24/2018 10:56 am

Isa sa pinakamalaking problema ng mundo ay ang plastic waste. Pero sa pwersa ng magigiting nating scientists tulad ni Dr. Jey-R Ventura, malapit na tayo sa mundong ang plastic na ating ginagamit, biodegradable na rin! Paano kaya ito mangyayari? Alamin natin sa kanya dito lang sa DOSTv Science for the People! #DOSTv #ScienceForThePeople #dostSTII October 24, 2018 (DOSTv Episode 616 - DOSTv ExperTalk: Dr. Jey-R Ventura Part 2)

ExperTalk - Dr. Mudjie (DOSTv Episode 612)

Posted on 10/18/2018 09:47 am

Isang siyentipiko na patuloy na nananaliksik para masiguro ang food security ng ating bansa lalo't higit sa larangan ng fisheries. Sino siya? Kilalanin natin si Dr. Mudjie today sa DOSTv Science for the People! #DOSTv #ScienceForThePeople #dostSTII October 18, 2018 (DOSTv Episode 612 - DOSTv ExperTalk: Dr. Mudjie)

ExperTalk - PCHRD MD PhD scholars Part 2 (DOSTv Episode 610)

Posted on 10/16/2018 09:35 am

Paano nga ba ang buhay ng isang estudyanteng pinagsabay ang pag-aaral ng MD at PhD? Doble-dobleng pagsusunog nga ba ng kilay? Alamin natin iyan ngayong araw sa DOSTv Science for the People! #DOSTv #ScienceForThePeople #dostSTII October 16, 2018 (DOSTv Episode 610 - DOSTv ExperTalk PCHRD MD PhD scholars Part 2)

ExperTalk -DTRI (DOSTv Episode 605)

Posted on 10/09/2018 10:59 am

Ano nga ba ang maitutulong ng siyensya at teknolohiya pagdating sa pag-aalaga ng baka at paggawa ng produkto mula sa gatas ng mga ito? Alamin natin iyan today sa DOSTv Science for the People! #DOSTv #ScienceForThePeople #dostSTII October 9, 2018 (DOSTv Episode 605– ExperTalk: DTRI)

Sinesiyensya - Pinoy Taxonomist (DOSTv Episode 604)

Posted on 10/08/2018 10:40 am

Alam niyo bang may isang Pilipino na nakadiskubre lang naman ng 50 new species ng Philippine earthworm?! Paano nga ba ito nagawa ni Dr. Nonillon Aspe? Alamin natin ang branch of science na taxonomy at systematics ngayong araw dito sa DOSTv Science for the People! #DOSTv #ScienceForThePeople #dostSTII October 8, 2018 (DOSTv Episode 604– Sinesiyensya: Pinoy Taxonomist)

Sinesiyensya - CARRAGEENAN (DOSTv Episode 603)

Posted on 10/05/2018 10:30 am

Sa mahal ng presyo ng bigas ngayon, ano nga ba ang maaaring gawin ng mga eksperto upang pagandahin ang ani nito? Ano rin ang magagawa nating mga kumukunsumo? Talakayin natin ang usapin ng bigas ngayong araw sa DOSTv Science for the People! #DOSTv #ScienceForThePeople #dostSTII October 5, 2018 (DOSTv Episode 603– Sinesiyensya: CARRAGEENAN)

Sinesiyensya - Casiguran Earthquake (DOSTv Episode 601)

Posted on 10/03/2018 10:53 am

Balikan natin ang kuwento ng pinakamalakas na lindol na tumama sa Pilipinas--ang Casiguran Earthquake. Paano nga ba natin maiiwasan ang ganito kalakas na lindol? Pagkuwentuhan natin ngayong araw sa DOSTv Science for the People! #DOSTv #ScienceForThePeople #dostSTII October 3, 2018 (DOSTv Episode 601– Sinesiyensya: Casiguran Earthquake)

ExperTalk - Hilary Andales (DOSTv Episode 596)

Posted on 09/26/2018 09:42 am

Throwback muna tayo today sa isa nating bright na bright na kababayan na dahil sa kanyang science project, nanalo lang naman ng milyong milyong piso! Sino nga ba siya, mga kids? Gusto niyo rin bang makagawa ng same project katulad ng kay Hilary Andales? Let's ask her how dito sa DOSTv Science for the People! #DOSTv #ScienceForThePeople #dostSTII September 26, 2018 (DOSTv Episode 596– ExperTalk: Hilary Andales)

ExperTalk - PAGASA Weather Forecaster (DOSTv Episode 587)

Posted on 09/13/2018 10:24 am

Tatalakayin ngayon ni Dr. Espie at Ms. Edna ng PAGASA kung paano nga ba maging forecaster! Sa panahon ng tag-ulan, higit na kailangan nila ng mga masisipag at magagaling na meteorologists, isa ba 'to sa mga pangarap mo? Halina't makinig dito lang sa DOSTv Science for the People! #DOSTv #ScienceForThePeople #dostSTII September 13, 2018 (DOSTv Episode 587 – Expertalk: PAGASA Weather Forecaster)

Sinesiyensya - TINALAK (DOSTv Episode 585)

Posted on 09/11/2018 04:10 pm

Hanggang sa ngayon, pinapalago ng mahal nating mga Tboli ang traditional na T'nalak. Ang tela na ito ay gawang kamay at may tatlong primaryang kulay - pula, itim, at kulay ng daho ng Abaca. Handa na ba kayong alamin pa ang kagandahang taglay nito? Tutok ngayong araw dito sa DOSTv, Science for the People! #DOSTv #ScienceForThePeople #dostSTII September 11, 2018