SolutionsAndOpportunitiesForAll

DOST-ITDI ibinada ang kanilang mga programa sa 2026 PH Food Expo | DOST Report

Posted on 04/20/2026 01:54 pm

Suporta para sa mga Pilipinong Negosyante! Nakiisa ang DOST- Industrial Technology Development Institute (DOST ITDI) sa 2026 Philippine Food Expo sa World Trade Center, Manila. Ibinida ng DOST-ITDI ang kanilang mga programang layong mapataas ang kalidad ng produktong Pilipino sa merkado. Para karagdagang detalye, narito ang ulat.

Natural Textile Fiber Innovation hub, inilunsad na sa Laguna | DOST Report

Posted on 04/20/2026 01:49 pm

ICYMI: May bagong pagkakakitaan na ang mga magsasaka ng saging at pinya sa Laguna!

DOST Report: S&T-based livelihood projects hatid ng DOST at OPAPRU sa 6 na MILF Camps

Posted on 04/20/2026 01:35 pm

#SCIENCE4PEACE: DOST, katuwang ang Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation, and Unity (OPAPRU), naghatid ng S&T-based livelihood projects sa anim na MILF Camps. Para sa karagdagang detalye, narito ang ulat. #OneDOST4U #SolutionsAndOpportunitiesforAll #DOSTReport #DOST #DOSTv #MILF #OPAPRU

Bantay Bulkan: DOST-PHIVOLCS, nakapagtala ng minor phreatic eruption sa Bulkang Taal

Posted on 01/07/2026 09:02 am

DOST-PHIVOLCS, nakapagtala ng minor phreatic eruption sa Bulkang Taal kaninang hating gabi (04 December 2025).

Balitang RapiDOST: Ruminant Production Experts, tampok sa ikalawang yugto ng Lakbay-Agham

Posted on 01/07/2026 08:56 am

Sa pagpapatuloy ng ating pagkilala sa ating mga siyentipiko na may malaking kontribusyon sa pagpapaunlad ng agham sa bansa, ipinakilala sa ikalawang yugto ng Lakbay-Agham ang mga eksperto na nasa likod ng mga pag-aaral upang mapabuti ang produktibidad ng mga ruminants tulad ng baka, kambing at kalabaw. Para sa kumpletong detalye, narito ang report.

Balitang RapiDOST: PilipiNAST Kapehan

Posted on 01/07/2026 08:54 am

Hindi na bago sa ating mga Pilipino ang pagdating ng mga bagyo. Ngunit ayon sa pinakabagong pag-aaral ng DOST-PAGASA, sa nakalipas na dalawang dekada, dumarami ang bilang ng mga super typhoon na tumatama sa bansa, mas malakas at mas mapaminsala kaysa dati. Para sa kompletong detalye, narito ang report. #OneDOST4U #SolutionsAndOpportunitiesForAll #DOSTv #DOST

Balitang RapiDOST: NSTW 2025, sinimulan na sa Laoag City

Posted on 01/07/2026 08:51 am

Nagsimula na nitong November 18 ang 2025 National Science, Technology, and Innovation Week sa Laoag City, Ilocos Norte. Dinaluhan ng daan-daang mga estudyante at kawani ng pamahalaan ang unang araw pa lang ng NSTW 2025. Magtatagal ang NSTW 2025 hanggang Biyernes dito sa Laoag City. #OneDOST4U #SolutionsAndOpportunitiesForAll #DOST #NSTW2025

Balitang RapiDOST: City Jail Male Dormitory sa Gensan, kampeon sa 2025 Best CEST Community Award

Posted on 01/07/2026 08:50 am

Itinanghal bilang national champion ang BJMP City Jail Male Dormitory sa General Santos City para sa 2025 Best CEST Community Award sa ginanap na National Science, Technology, and Innovation Week sa Laoag City, Ilocos Norte. Sa tulong ng Community Empowerment through Science and Technology (CEST) Program ng DOST Philippines, nabigyan sila ng mga modernong kagamitan, training, iba’t ibang programang pangkabuhayan at pagkakataong makapag-aral muli. Nabiyayaan din sila ng water treatment facility para sa malinis na inuming tubig. Hindi na lamang ito nagagamit sa loob ng bilangguan, kundi maging sa kalapit na komunidad ng city jail. #OneDOST4U #SolutionsAndOpportunitiesForAll #DOST #DOSTv #NSTW2025 #CEST

Siyensikat 08 EP 12: Amazing Tech sa Shrimp Farming

Posted on 01/06/2026 06:37 pm

Paborito mo ba ang pagkain ng iba't ibang putahe ng hipon sa mga handaan? Bago pa 'yan ihain sa ating mga hapag, dumadaan ito sa mahabang proseso ng shrimp farming sa palaisdaan. Dahil dyan, isang makabagong teknolohiya ang binubuo ng ating mga eksperto para sa mas epektibong pagmomonitor sa kalidad ng tubig sa mga palaisdaan. Kritikal kasi ang kalidad ng tubig sa pag-aalaga at pagpaparami ng mga hipon. Kung ano ang teknolohiyang 'yan, alamin natin sa Siyensikat!

Siyensikat 08 EP 11: Ang Misyon ng Nutrisyon

Posted on 01/06/2026 06:29 pm

Sa larangan ng tungkulin at sa tahimik na yugto ng pagtanda, may dalawang katawang parehong naghahanap ng tibay. Ang isa sa gitna ng panganib; ang isa sa pagbagal ng panahon. Ngunit sa gitna ng pagkakaiba, nagtatagpo sila sa iisang pangangailangan—nutrisyon na nagbibigay-lakas, humuhubog ng katatagan, at nagtatayo ng tulay mula kahapon hanggang bukas.