Posted on 12/03/2024 01:22 pm
Tubig is life. Paano na lang kung mawala ito????????? 'Yan ang problemang nais tugunan ng isang Filipino inventor na malaki ang maitutulong sa ating mga kababayan. Abangan ang kwento sa #Siyensikat. #OneDOST4U #ScienceForThePeople #inventor
Posted on 12/03/2024 10:14 am
Tinutukoy na ang bawat tao, anuman ang katayuan sa buhay, ay may karapatang tratuhin ng may respeto at bigyan ng pagkakataon na kumita ng marangal na kabuhayan, ginamit ng DOST-NCR ang Two Breads in One Stone (2B1S) na pamamaraan sa pagbibigay ng teknikal na tulong sa Bigay Buhay Multi-Purpose Cooperative (BBMC), isang non-profit na grupo na binubuo ng mga taong may kapansanan (PWD) at kanilang mga magulang.
Posted on 12/03/2024 10:12 am
Ang pangunahing layunin ng Halal Verification Laboratory ay ang subukan ang mga produktong food at non-food upang matiyak na hindi ito naglalaman ng mga ipinagbabawal sa Islam. Nag-aalok ang DOST XI HVL ng mga serbisyo tulad ng Pagsusuri ng Ethanol na sumusubok sa presensya ng ethanol sa pagkain at inumin, Pagsusuri ng Gelatin na sumusubok sa presensya ng baboy sa mga produktong gelatin, at Pagtuklas ng Porcine DNA sa pamamagitan ng RT-PCR na tumutukoy sa presensya ng DNA ng baboy sa mga produktong hindi gelatin.
Posted on 12/03/2024 10:06 am
Ang Vertical Helophyte Filter System ay isang sistema ng paggamot ng wastewater na gumagamit ng mga halaman (Helophytes) upang linisin at tanggalin ang mga pollutant mula sa wastewater. Gumagamit ang sistema ng patayong daloy (Vertical flow) na disenyo, na nagpapahintulot ng mas mabisang paglilinis ng wastewater gamit ang likas na katangian ng mga halaman sa pagdalisay.
Posted on 11/28/2024 08:57 am
Maliit man daw ay talagang nakakapuwing. Sa liit nito, 'di mo aakalaing kaya nitong lipulin ang libu-libong ektarya ng mga sagingan. ???? Maituturing itong isang malaking pasanin para sa mga magsasaka natin sa Mindanao. Mahirap man, hindi sumusuko ang ating mga #NextGenPlantDoctors tulad nina Johanna at Vlad mula sa University of Southeastern Philippines Tagum-Mabini Campus upang labanan ang epidemyang bumabalot sa industriya ng saging.
Posted on 11/28/2024 08:54 am
Lowkey lang ang galawan ng ating bida sa #ExperTalk ngayong Sabado. Hindi man natin pansin, sila ay may malaking ambag sa pagpapanatili ng kalikasan. Nakakatulong ang mga ito sa paglilinis ng hangin at sila rin ay indikasyon ng kalidad ng ating kapaligiran. Ano nga ba ang kahalagahan ng #Lichens at ano ang impact nito sa ating ecosystem? Alamin ang kwento kasama ang ating #NextGenLichenologist dito lang sa ExperTalk.
Posted on 11/28/2024 08:51 am
Ang bawat pelikula ay sumasalamin sa istorya at kasaysayan ng bawat panahon. Sabay-sabay nating alamin ang siyensya sa likod ng film archiving and restoration kasama si Miguel, ang ating #NextGenFilmArchivist mula sa Film Development Council of the Philippines
Posted on 11/28/2024 08:49 am
Sa kailaliman ng lupa, may mga nakatagong maliliit na nilalang na hindi agad nakikita. Bagaman maliit, malaki ang kanilang papel sa ating kalikasan. Tinagurian silang mga bioindicators; kapag marami ang kanilang populasyon sa lupa, nangangahulugan itong sagana ang ecosystem na kinabibilangan nito. Sa kasamaang palad, ang mga ito ay humaharap sa mga banta dulot ng pagmimina.
Posted on 11/28/2024 08:47 am
Ano nga ba ang papel ng Siyensya sa pagprotekta sa mga critically endangered Visayan Spotted Deer laban sa pagkaubos nito? Panuorin sa episode na ito kasama ang ating mga #NextGenBiologists.
Posted on 10/22/2024 10:13 am
ExperTalk S04 Episode 1: Hayag man ang makukulay at kapansin-pansin nitong itsura, maraming katanungan pa rin ang bumabalot sa nilalang na ito. Ating kilalanin ang sinasabing Messenger of God kasama ang ating #NextGen Lepidopterist na si Leizel.