Posted on 07/15/2025 09:07 am
Usong-uso ngayon ang catfish farming bilang negosyo. Pero alam niyo ba na may isang uri ng hito na unti-unti nang nawawala sa ating bansa?
Posted on 07/15/2025 08:57 am
Isang basurahang kayang mag-identify ng metal, plastic, o paper. Isang solar drying machine na tumutulong sa mga magsasaka. Magkaibang imbensyon, parehong bunga ng talino at sipag ng mga kabataang Pilipino sa larangan ng siyensya. Ating kilalanin ang mga kabataan na, sa murang edad pa lamang, ay nagsisimula nang maging bahagi ng solusyon. Panoorin ang buong kwento sa ExperTalk!
Posted on 07/15/2025 08:52 am
Agarang solusyon sa pagtutulungan ng iba't ibang institusyon ang kinakailangan para mapuksa ang sakit na ito na nagpapahirap sa ating mga small-scale farmers. Ating alamin kung ano nga ba ito na sumasalakay ngayon sa mga taniman sa iba't ibang probinsya ng Mindanao, at kilalanin ang grupo ng mga mananaliksik na gumagawa ng paraan upang mapuksa ito. Panuorin ang buong kwento sa ExperTalk.
Posted on 06/17/2025 02:42 pm
"Marami po kaming struggles sa pag-aaral lalo na po sa mga resources, as visually impaired hindi po lahat ng libro na nasa school ay naipo-provide po at hindi po lahat ng subject ay meron po silang accessible materials para magamit po namin."
Posted on 11/28/2024 08:51 am
Ang bawat pelikula ay sumasalamin sa istorya at kasaysayan ng bawat panahon. Sabay-sabay nating alamin ang siyensya sa likod ng film archiving and restoration kasama si Miguel, ang ating #NextGenFilmArchivist mula sa Film Development Council of the Philippines
Posted on 11/28/2024 08:49 am
Sa kailaliman ng lupa, may mga nakatagong maliliit na nilalang na hindi agad nakikita. Bagaman maliit, malaki ang kanilang papel sa ating kalikasan. Tinagurian silang mga bioindicators; kapag marami ang kanilang populasyon sa lupa, nangangahulugan itong sagana ang ecosystem na kinabibilangan nito. Sa kasamaang palad, ang mga ito ay humaharap sa mga banta dulot ng pagmimina.
Posted on 10/22/2024 10:13 am
ExperTalk S04 Episode 1: Hayag man ang makukulay at kapansin-pansin nitong itsura, maraming katanungan pa rin ang bumabalot sa nilalang na ito. Ating kilalanin ang sinasabing Messenger of God kasama ang ating #NextGen Lepidopterist na si Leizel.
Posted on 08/08/2023 05:00 pm
Artificial Intelligence at Robotics, ano kaya ang maitutulong sa national security at traffic management? Ayan ang ating tatalakayin kasama ang #CertifiedExpert na si Dr. Elmer Dadios, isang NAST Academician at Professor sa DLSU. Tayo sa panibagong learning adventure! Saturday | 8am Replays Saturday | 4pm Sunday | 8am & 4pm
Posted on 08/01/2023 05:00 pm
Ano kaya ang ibig sabihin ng mga tattoo ng Butbut tribe sa Buscalan, Kalinga? At ano kaya ang Siyensya sa likod nito? Alamin yan kasama ang #CertifiedExpert sa larangan ng Anthropology na si Dr. Analyn Amores na nakapagsulat ng libro tungkol sa traditional tattooing sa Cordillera. #ExperTalk #NatatangingTinta #Anthropology