#RadyoSiyensya: Sa DOST Konektado ka! | May 22, 2026 Mushroom Production, level up na sa Cebu sa tulong ng Industry 4.0 at SETUP ng DOST. Pag-usapan natin kung paano binago ng modernong teknolohiya ang kabuhayan ng ating mga lokal na magsasaka sa Cebu kasama sina Dr. Tristan L. Abando (Regional Director, DOST-Central Visayas) at Ms. Dorothy Degula (Chairperson, Cebu Province Mushroom Growers Agriculture Cooperative). Alamin kung paano nag-level up mula sa tradisyunal na panggatong patungo sa isang Fully Automated Climate-Controlled Growing House para sa mga high-value mushrooms tulad ng Shiitake at Ganoderma!