SCIENCE PINAS: Lakbay-Tuklas ng Science at Travel

Posted on 05/13/2025 11:41 am
SCIENCE PINAS: Lakbay-Tuklas ng Science at Travel image

Abangan ang first episode ng Science Pinas ngayong February 15, 2025! Hatid nito ang kakaibang kombinasyon ng Science at travel, kung saan tampok ang mga kwento ng Science, Technology, at Innovation (ST&I) na nagpapabago sa mga industriya at komunidad sa buong bansa.

Science Pinas logo over Philippine map

Pero, ano nga ba ang Science Pinas? Ang Science Pinas ay isang programa na nagpapakilala ng konsepto ng Science Tourism, na naglalayong ipakita kung paano nagagamit ang Science at Technology upang mapaunlad ang turismo, kultura, at kabuhayan. Sa bawat episode, mararanasan ang kakaibang saya ng isang scientific expedition habang binibigyang-pansin ang kahalagahan ng innovation sa mga lokal na komunidad. Para itong kombinasyon ng travel at edukasyon, na nagiging kapana-panabik na adventure para sa lahat ng manonood.

Bilang bahagi ng programa, tampok ang 11 Niche Centers in the Regions (NICER) for R&D mula sa DOST’s Science for Change Program. Ang mga sentrong ito ay nagbibigay suporta sa mga komunidad sa pagpapalakas ng kanilang lokal na industriya at pagkamit ng sustainable development.

Para sa unang handog ng Science Pinas, ipapakita ang kahanga-hangang ganda ng Ilocos Norte at ipaliliwanag kung bakit ito tinaguriang Garlic Capital of the Philippines. Tampok din sa episode ang tulong na ibinibigay ng ST&I upang higit pang mapaunlad ang industriyang ito.

Science Pinas science tourism around the Philippines

Ang Science Pinas ay hindi lamang isang science show, kundi isang kakaibang paraan upang gawing educational ang bawat lakbay-tuklas. Sa bawat episode, mapapanood ang mga magagandang tanawin ng Pilipinas habang nalalaman ang mga epekto ng Science at technology sa pagpapabuti ng ating bansa. 

Pinangungunahan ang programa nina Mark Wei, isang professional model at host, at Riana Pangindian, Miss World Philippines 2021 First Princess at science teacher. Hatid nila ang sigla at inspirasyon sa bawat kwento ng siyensya at travel.

Huwag palampasin ang first episode ng Science Pinas sa GTV Channel 11 ngayong February 15, 2025, 9:00 AM. Mapapanood din ang livestream nito sa DZBB Facebook page.

Para sa iba pang impormasyon, bisitahin ang aming website sa www.dostv.ph. At i-follow din kami sa Facebook, TikTok, at YouTube.

Sama-sama nating tuklasin ang ganda ng Science at Travel sa isang makabagong paraan. Tara na’t maglakbay-tuklas sa Science Pinas!

Frequently Asked Questions (FAQs)

What is Science Pinas?

Science Pinas is a 30-minute science travel show that highlights how science, technology, and innovation to promote growth in different industries including tourism, culture, and livelihood which is being aired on GTV Channel 11 starting from February 15, 2025, 9:00 AM and livestreamed on Super Radyo DZBB and DOSTv Facebook pages

Tags: