Posted on 01/07/2026 09:16 am
#BantayBulkan: Alam niyo ba na bukod sa phreatic eruption na madalas nating naririnig sa mga balita ay may iba’t-ibang uri pa pala ng pagputok ang bulkan? Alamin kung ano pagkakaiba nila dito sa DOSTv Bantay Bulkan.
Posted on 01/07/2026 09:02 am
DOST-PHIVOLCS, nakapagtala ng minor phreatic eruption sa Bulkang Taal kaninang hating gabi (04 December 2025).
Posted on 01/07/2026 08:59 am
UPDATE: Ating alamin ang latest update sa mga aktibong Bulkan na binabantayan ng DOST-PHIVOLCS. Para sa detalye narito ang report.
Posted on 01/07/2026 08:56 am
Sa pagpapatuloy ng ating pagkilala sa ating mga siyentipiko na may malaking kontribusyon sa pagpapaunlad ng agham sa bansa, ipinakilala sa ikalawang yugto ng Lakbay-Agham ang mga eksperto na nasa likod ng mga pag-aaral upang mapabuti ang produktibidad ng mga ruminants tulad ng baka, kambing at kalabaw. Para sa kumpletong detalye, narito ang report.
Posted on 01/07/2026 08:55 am
#BalitangRapiDOST: Inobasyong gawa ng mga estudyante na magpapabilis sa pagdiagnose ng breast cancer at sakit sa puso, wagi sa ginanap na 2025 BPI-DOST Innovation Awards. Para sa detalye ng kanilang inobasyon, narito ang report. #OneDOST4U #DOSTv #bpidostinnovationawards2025
Posted on 01/07/2026 08:54 am
Hindi na bago sa ating mga Pilipino ang pagdating ng mga bagyo. Ngunit ayon sa pinakabagong pag-aaral ng DOST-PAGASA, sa nakalipas na dalawang dekada, dumarami ang bilang ng mga super typhoon na tumatama sa bansa, mas malakas at mas mapaminsala kaysa dati. Para sa kompletong detalye, narito ang report. #OneDOST4U #SolutionsAndOpportunitiesForAll #DOSTv #DOST
Posted on 01/07/2026 08:53 am
LOOK: RSTW sa Malolos, Bulacan, nagsimula na. Mga proyektong makatutulong sa pagpapaunlad ng mga probinsya sa Central Luzon, ibinida. Para sa dagdag na detalye narito ang report. #OneDOST4U #DOSTv #BalitangRapiDOST #RSTW
Posted on 01/07/2026 08:50 am
Itinanghal bilang national champion ang BJMP City Jail Male Dormitory sa General Santos City para sa 2025 Best CEST Community Award sa ginanap na National Science, Technology, and Innovation Week sa Laoag City, Ilocos Norte. Sa tulong ng Community Empowerment through Science and Technology (CEST) Program ng DOST Philippines, nabigyan sila ng mga modernong kagamitan, training, iba’t ibang programang pangkabuhayan at pagkakataong makapag-aral muli. Nabiyayaan din sila ng water treatment facility para sa malinis na inuming tubig. Hindi na lamang ito nagagamit sa loob ng bilangguan, kundi maging sa kalapit na komunidad ng city jail. #OneDOST4U #SolutionsAndOpportunitiesForAll #DOST #DOSTv #NSTW2025 #CEST
Posted on 01/07/2026 08:49 am
Iba't ibang produkto at inobasyon ang ibinida sa 2025 Grassroots Innovation and Circular Economy Expo sa Mariano Marcos State University sa Batac City, Ilocos Norte. Kabilang na rito ang Palatak Palay Seeder, isang makabagong teknolohiya sa pagsasaka na makatutulong para sa mas matipid na produksyon ng mga magsasaka. Alamin ang teknolohiyang 'yan sa report na ito. #OneDOST4U #DOSTv #BalitangRapiDOST #2025NSTW
Posted on 01/07/2026 08:48 am
LOOK: International Atomic Energy Agency katuwang ang Department of Science and Technology, layuning makontrol at mabawasan ang mga basurang plastic sa mundo. Bilang tugon, may mga proyekto na rin ang DOST-PNRI na gawing industrial materials ang mga basurang plastic gamit ang radiation. Para sa karagdagang detalye, narito ang ulat.