dostSTII

UP ALCHEMES Research Fair 2019 (DOSTv Episode 688)

Posted on 02/03/2020 11:40 am

Mga iskolar ng bayan mula sa Philippine Science High School-Central Luzon Campus, nakapag-imbento lang naman ng isang portable device na makasusukat ng linis o dumi ng hangin sa ating paligid! Mula sa alikabok na hindi natin nakikita, ngayon ay made-detect na ng kanilang device real-time papunta sa sariling dinevelop na app! Panoorin natin ang champion sa research competition ng UP ALCHEMES Research Fair 2019 dito lang sa DOSTv Science for the People!

Dr. Afuang (DOSTv Episode 691)

Posted on 02/03/2020 11:40 am

May beshie ka bang ahas? Dahil ang scientist na kasama natin ngayong araw, sila ang paboritong pag-aralan! Tag mo na si beshie mong gusto mong ipa-dissect kay Dr. Leticia Afuang ng UPLB! Makipagkuwentuhan tayo sa kanya ngayong araw dito lang sa DOSTv Science for the People!

Manila Zoo (DOSTv Episode 701)

Posted on 02/03/2020 11:39 am

Tara, pasyal tayo! Kumustahin natin ang Manila Zoo na pansamantalang isinara upang mas pagandahin pa ang paborito nating pasyalan dito sa Maynila. Paano nga ba inaalagaan ang mga hayop dito? Alamin natin dito sa DOSTv Science for the People!

Wastewater Dr. Palencia (DOSTv Episode 697)

Posted on 02/03/2020 11:39 am

Tubig sa inyong septic tank, pwede pa palang linisin? Imbensyon ng isang Pinoy scientist na hangad linisin ang ating wastewater, tutukan today sa DOSTv Science for the People!

DOST The Mind Museum (DOSTv Episode 732)

Posted on 02/03/2020 11:38 am

Dahil bakasyon na, i-treat ang sarili sa isang educational pasyal na talaga namang maglalapit ng science and technology sa inyong mga puso! Samahan niyo kaming pasukin ang The Mind Museum at i-enjoy ang science na truly ay for the people dito lang sa DOSTv Science for the People!

Weather Forecaster Benison (DOSTv Episode 678)

Posted on 02/03/2020 11:38 am

Pangarap mo bang maging next Ernie Baron? Dahil itong si Benison, natupad na iyon! At hindi lang basta dream come true ha, dahil ang ating weather forecaster, sa England pa nabigyan ng chance tapusin ang kanyang Master's degree! How to be you po ba, Kuya Benison?! Alamin natin sa kanya dito lang sa DOSTv Science for the People!

Mary's Moron (DOSTv Episode 672)

Posted on 02/03/2020 11:28 am

Kapag Leyte na ang usapan, hindi pwedeng mawala ang matamis at malagkit na MORON! Matakam sa aming feature tungkol sa Moron at tagumpay sa production nito dito sa DOStv Science for the People!

Sonia's Cakes and Bakes (DOSTv Episode 684)

Posted on 02/03/2020 11:26 am

Hindi patatalo ang Sonia's Cakes and Bakes pagdating sa paborito niyong Brazo de Mercedes, cupcakes, and muffins! Sa Mandaluyong City, sila ang bida sa mga healthy breads and cakes! Katakam-takam hindi ba? Halina't panuorin dito lang sa DOSTv, Science for the People!

Robotics (DOSTv Episode 700)

Posted on 02/03/2020 11:26 am

Mga kabataang Pinoy na bida sa robotics! Tara, makipagkwentuhan tayo sa kanila ngayong umaga sa DOSTv Science for the People!